Note: This is only my own opinion.
PG-18 stories. Siguro naman alam niyo na kung ano ‘to. Ito ‘yung mga may sensual na scenes o konsepto na istorya. Sa nakikita ko ngayon, laganap ang mga ganitong istorya sa Wattpad. Karamihan pa ng mga writer ng ganitong mga storya ay mga bagong writer sa Wattpad. Hindi ko tuloy mawari kung pagsusulat ba talaga ang gusto nila o sadyang gusto lang nilang sumikat, lalo pa’t alam nila na marami ang may gusto ng mga ganitong konsepto. Kung sa akin, ayos lang naman ‘yon, kaya lang ‘yung mga istorya nila ay parang wala naman talagang istorya, kundi puro mga sensual scenes lang. ‘Yung tipong, bigla nalang may mangyayari sa dalawang bida. Ang malala pa rito, karamihan sa mga nagsusulat ng ganun, eh, mga underage pa o wala pa sa tamang edad. Nagkapagtataka lang na napakarami na nilang alam tungkol sa mga ganung bagay. Parang nabababoy na tuloy ang Wattpad.
Hindi naman kasi dapat talaga gumagawa ng ganung konsepto ng istorya ang mga underage na writer. Dapat ini-aayon nila sa edad nila ang mga istoryang isusulat nila. Wag niyong sabihin na dyan kayo sumasaya dahil napaka-bata niyo. Una sa lahat, marami nga ang nagbabasa sa istorya mo, pero ‘yung istorya nga ba ang inaabangan nila o ‘yung mga censored scenes na mangyayari sa istorya? Pangalawa, binabasa ba nila ang istorya mo dahil na-aapreciate nila ‘to? Pangatlo, maalala pa kaya nila ang istorya mo oras na matapos mo na itong masulat at matapos narin nilang basahin? Malamang hindi, dahil ang totoong habol lang naman talaga nila, eh, ang mga censored scenes na ‘yan, hindi ang mismong istorya.
Ito pa ang isang ina-ayawan ko. Karamihan sa writer ng mga ganitong istorya, ni hindi man lang alam ang paraan ng tamang pagsulat, maski basic man lang. Kagay nalang ng proper capitalization, siguro naman tinuro na satin ‘yan simula ng mag-aral tayo, kaya please lang, paki-gamit. Meron pa mga jejemons, kung san merong mga salitang naka-ups and down na letra, at aba, alternate pa. For pete’s sake, libro po ang isinusulat niyo at hindi kayo nagte-text. Ang pagiging jejemon ay maari lang paganahin sa text. Marami rin akong napansin na hindi ata alam kung kailan dapat lalagyan ng tuldok ang isang sanaysay at tandang pananong ang isang tanong, karamihan pa dyan, overwhelmed sa tuldok. Hindi porke nasa keyboard lang ang tuldok, eh, dapat niyo na itong abusuhin.
Pakitandaan po ang mga sinabi ko, maaring makatulong sa inyo ang mga ‘yan. Sa pagsusulat hindi dapat iniisip kung sisikat ka ba o magkakaroon ka ba ng maraming readers. Ang importante, nagsusulat ka mula sa puso mo at hindi dahil sa uso ang Wattpad, nakiuso ka na rin. Lahat pwedeng magsulat, pero hindi lahat magaling magsulat.